in

Pahayag nina Anthony Taberna at Gerry Baja matapos makaalis sa ABS-CBN

  • Sobrang thankful si Anthony Taberna dahil sa mga opportunities na ibinigay sa kanya ng ABS-CBN
  • Nalulungkot si Gerry Baja para sa libu- libong dating empleyado ng ABS-CBN na wala nang trabaho ngayon
  • Knupkop ng DZRH ang kanilang show sa DZMM na ‘Dos Por Dos’ upang maipagpatuloy ang kanilang programa.

After 17 years, ang DZMM radio anchors na sina Anthony Taberna at Gerry Baja sa programang ‘Dos Por Dos’ ng DZMM Teleradyo ay tuluyan nang nagpaalam sa ABS-CBN noong August 28.

Narito ang kanilang pahayag matapos makawala sa ABS-CBN network.

Ayon kay Taberna, sobrang thankful siya dahil sa mga opportunities na ibinigay sa kanila ng ABS-CBN. Ito rin ang bumuhay sa kanya at sa kanyang pamilya.

“Kaya kong sabihin sa lahat na ang ipinakakain natin sa pamilya natin, at sa iba pang taong umaasa sa atin, pati na ‘yung pinagsimulan ng maraming oportunidad sa buhay natin, ay dahil po sa ABS-CBN. Hindi po mawawala sa ating puso ‘yun,” pahayag niya

Masakit man iwanan ang kanyang dating network, labis niyang naiintindihan ang sitwasyon ng kompanya.

“Ito pong paghihiwalay namin ng ABS-CBN ay hindi madali. Ayaw po namin, pero noong kami ay sabihan tungkol sa financial constraints, naunawaan po namin ang sitwasyon ng ABS-CBN. Mahal po namin ang kompanyang ito, mahal po namin ang mga nangangasiwa rito,” dagdag ni Taberna.

Isa ang programang ‘Dos Por Dos’ na ki-cancel ng ABS-CBN matapos ibasura ng Congress ang application nito for franchise renewal. Pero hindi dito magtatapos ang samahan ng dalawang beteranong radio hosts. Ang dalawa kamakailan lang ay kinupkop ng DZRH upang ipagpatuloy ang kanilang programa.

Naging emotional naman si Baja sa kabila ng kaligayahan na may umampon at kumupkop sa kanilang programang ‘Dos Por Dos’. Nalulungkot naman siya para sa libu-libong dating empleyado na simula ngayong Setyembre ay wala nang trabaho.

“Pero bagamat kami po ay naliligayahan, mga kapamilya, kapuso, kapatid, kabarkada, e, ramdam din namin ang lungkot lalo na sa libu-libong mga kapamilya natin—mga dating empleyado ng ABS-CBN—na simula din po sa araw na ito, ay matitigil na rin ang kanilang trabaho.

“Ang Dos por Dos, simula sa araw na ito, nagkaroon ng bagong tahanan.

“Pero marami po tayong mga kapamilya sa ABS-CBN ang simula sa araw na ito ay mawawalan ng tahanan.

“Ang amin pong panalangin para sa ating mga kapamilya, combachero, na sana’y malagpasan nila itong pagsubok na ito…” pahayag niya

Noong August 31, libu-libong empleyado ng ABS-CBN ang nawalan ng trabaho matapos ibasura ng House Committee on Legislative ang franchise renewal ng ABS-CBN.

Simula September 1, ang ABS-CBN iWant ay makikipag-merge sa TFC Online na maa-access worldwide.

Written by Rhelyn Harder

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Barbie Forteza, inaabangan ang TikTok videos

Fans, mas madali nang makaka-bonding ang paboritong Kapuso stars online