Happy at proud na ibinahagi ng seasoned actress na si Coney Reyes ang kanyang quarantine makeup look simula nang ipatupad ang lockdown noong Marso.
Ayon sa Love of my Life actress, ito ang unang beses na nakapaglagay siya ng makeup matapos ang ilang buwang pananatili sa bahay.
Sa kanyang Instagram post noong Linggo, ipinasilip ni Coney ang kanyang naging look. Aniya, “First time in what – five months – since I last applied some makeup! Wala naman pinuntahan. I just did an anniversary video greet for our church friends overseas. My effort putting on makeup deserves a post amidst this pandemic. #marunongparinnamanpala #practicenaulimagmakeup #nomakeupartist #DIYmakeup #2020quarantine.”
Samantala, wala pang bagong balita kung kailan magbabalik-taping ang Love of my Life kung saan parte si Coney ng cast bilang si Isabella Gonzales, isang mayamang biyuda. Maaari namang mapanood ang aired full episodes ng primetime series at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.