in

Kelvin Miranda, na-prank ang celebrity friends!

Nakakaaliw ang bagong vlog ng Kapuso actor na si Kelvin Miranda sa kaniyang YouTube channel! May pagka-pilyo pala ang binata at napagtripan niya ang mga malalapit na kaibigan sa showbiz sa pamamagitan ng prank calls!

Kasama sa mga nabiktima niya ang kapwa GMA artists na sina Lexi Gonzales at Mikael Daez, pati ang mga fan niya sa Kelvin Nation at Kelvin Warriors. Kunyari raw ay maglalayas na siya at magbabaka-sakaling makituloy sa bahay ng mga kaibigan, at may mga paandar pa siyang natalo sa sugal. 

Laugh trip talaga ang video na ito kaya naman huwag palampasin ang kabuuan ng pakulo ni Kelvin sa ‘Prank or Flops’ vlog niya at mag-subscribe na rin sa kaniyang official channel na Kelvin Miranda TV.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Rayver Cruz at Janine Gutierrez, masaya kahit magkalayo

Bagong single ni Golden Cañedo, mapapakinggan na worldwide