Maraming couples ngayon ang napilitang mag-long distance relationship bilang pagi-ingat na rin sa banta ng COVID-19 at isa na rito ang Kapuso couple na sina Rayver Cruz at Janine Gutierrez.
Ibinahagi ni Rayver kung paano nila pinapanatiling matatag ang kanilang relasyon kahit pa malayo sa isa’t isa.
Aniya, “Mas sa Zoom kami ngayon at sa Facetime. Kailangan kasi safe pa rin ang lahat. Nung nag-GCQ mas nakakabisita na ako and ‘pag bumibisita siya sa mom niya sa BF nakakabisita rin ako.”
Paalala pa ng ‘All-Out Sundays’ star, “Ngayon kahit GCQ na ulit kailangan safety pa rin ng bawat isa ang unahin. Mas okay kasing napa-practice natin ‘yung social distancing kahit na espesyal ‘yung mga taong bibisitahin natin.”
Samantala, tuluy-tuloy pa rin ang fresh episodes na hatid ng paboritong musical-comedy-variety show na ‘All-Out Sundays’ tuwing Linggo, 12:45 PM, na mapapanood sa GMA-7 at official social media accounts ng GMA Network.