in

Lovely Abella, proud fitness instructor  

Sa ‘Home Work’ episode ng ‘New Normal: The Survival Guide’, ibinahagi ni Lovely Abella na importanteng maging madiskarte sa panahon ngayon, “Hindi pala pwede na naka-focus lang sa kung ano ang alam mo. Ang alam ko lang kasi ‘yung umarte, magpatawa ng tao, ito lang ang kaya ko, e. Kailangan mong maghanap ng ibang way ngayon.” 

Kaya nag-desisyon siya na maging fitness coach dahil bukod sa maaari itong pagkakitaan, makaka-inspire rin siya ng ibang tao para mapanatiling healthy ang kanilang pangangatawan.

Sinimulan niya ang online HIIT (high-intensity interval training) classes. Aniya, “’Yun ang strength ko, kaya kong ituloy-tuloy ‘yan ng 45 minutes or one [hour], basta may rest in between. And alam ko kasi ang HIIT is best cardio para mag-lose ka ng weight at the same time building muscles.”

Samantala, mapapanood si Lovely sa fresh episode ng ‘Bubble Gang’ ngayong Biyernes (August 28) sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Janine Gutierrez, ipinakita kung paano gumawa ng ecobricks  

Golden Cañedo, may new single under GMA Music