in

Andre Paras at Klea Pineda, type jowain ang isa’t isa?  

Sa latest vlog ng Kapuso actress na si Klea Pineda, hinamon niya si Andre Paras na gawin ang fun “Jojowain o Totropahin” challenge kasama niya.

Game na game naman ang Kapuso actor at ibinunyag pa niyang “jojowain” niya ang dalaga.

Pabirong pag-amin ni Andre, “Ang nakakapikon lang kasi, never kaming nagkaroon ng eksena sa Encantadia. Sana ‘yung mga writer natin naisip na pwede ‘yun. Gusto ko siyang ma-meet kasi alam ko na hindi lang siya maganda in person pero inside, she’s very respectful sa parents, very goal-driven, at alam niya kung ano’ng gusto niya.”

Para naman kay Klea, “Kasi si Andre, very fun siyang kasama tapos mafi-feel mo na concerned siya sa’yo. Pag kailangan mo ng kausap, nandyan siya para sa’yo at hindi ka mabo-bore ‘pag kasama siya. Kaya feeling ko, pwede… jojowain ko siya.”

Pinaalalahanan naman ng dalawa ang mga manonood na huwag bigyan ng malisya ang kanilang challenge. “Okay, disclaimer it’s just a game, okay? For fun lang ito,” lahad ni Andre.

Samantala, para hindi ma-miss ng kanilang fans sina Klea at Andre, mapapanood ang latest aired episodes ng Magkaagaw at Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) sa GMA Network official website o sa GMA App.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Miguel Tanfelix, ganadong mag-post sa social media

Janine Gutierrez, ipinakita kung paano gumawa ng ecobricks