in

Sheryl Cruz at Jeric Gonzales, may isisiwalat sa ‘Mars Pa More’

Isang nakakaintrigang chikahan ang handog ng Magkaagaw stars na sina Sheryl Cruz at Jeric Gonzales sa Mars Pa More guesting ngayong Miyerkules (August 26). 

Isisiwalat ng dalawa ang mga nakakawindang na kaganapan sa likod ng kanilang intimate scenes sa Magkaagaw.

Ibabahagi naman ni Sheryl ang kanyang trending hula-hoop videos at ang unique health secrets na mapupulot sa fitness activity na ito. 

May pa-tour din si Jeric sa kanyang music studio sa bahay at sa-sampolan pa ang viewers ng 90’s hit na Line To Heaven. 

Kasama ang Kapuso mommies na sina Camille Prats at Iya Villania, abangan sina Sheryl at Jeric sa Mars Pa More, 8:45 AM, sa GMA-7!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Bea Binene, may tips para sa mga gustong magsimula ng business

Rayver Cruz, boxing training ang napiling workout