in

Anak nina Drew Arellano at Iya Villania, nagkaroon ng joint birthday celebration

Siniguro ng Kapuso couple na sina Drew Arellano at Iya Villania na magiging masaya at memorable ang birthdays ng kanilang mga anak na sina Primo at Leon kahit ipagdiwang ito sa kanilang bahay.

Kahapon ay nagkaroon ng joint quarantine birthday celebration ang magkapatid dahil parehong August ang kanilang birth month. August 19 nagdiwang ng 2nd birthday si Leon habang sa August 30 naman ang 4th birthday ni Primo.

Sa Instagram stories ni Drew ay ipinakita niya ang naging selebrasyon ng kanilang pamilya na may theme na Super Mario. Nagbahagi rin si Drew ng cute na cute na photos ni Baby Alana suot ang kanyang Princess Peach costume. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday cast,’ naghahanda nang mag-taping!

EA Guzman, gaganap na Beki Husband sa fresh episode ng #MPK