in

Carmina Villarroel, magpapamigay ng tablet sa mga estudyante

Nakatataba ng puso ang walang sawang pagtulong ng Kapuso celebrities sa mga apektado ngayon ng pandemic. Kamakailan lang ay inanunsyo ng ‘Sarap ‘Di Ba?’ host na si Carmina Villarroel na magkakaroon siya ng giveaway para sa mga estudyanteng nangangailangan.

Sampung lucky students ang mananalo ng tablet na magagamit nila sa pag-aaral ngayong school year bilang online na muna ang lahat ng classes. Open ang giveaway na ito para sa mga taga-Metro Manila at simple lang ang kaniyang mechanics para makasali!

Siguraduhin lang na naka-follow sa Facebook page, Twitter at Instagram accounts pati YouTube channel ni Carmina at i-comment ang city of residence at year level sa comment section na ‘How to clean your ref’ vlog niya.

Samantala, patuloy na napapanood sina Carmina, Mavy, Cassy at Zoren Legazpi sa fresh episodes ng ‘Sarap ‘Di Ba?’ tuwing Sabado ng umaga sa GMA Network.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kate Valdez, 1M na ang followers sa IG!

Kris Bernal, mas iniisip ang pagtulong kaysa sa kita