in

‘StarStruck’ season 7 ladies, nagkumustahan at nagpagalingan  

Isang masayang kumustahan at pagalingan ang hinatid ng ‘Quiz Beh’ host na si Betong Sumaya kasama ang StarStruck season 7 graduates na sina Pamela Prinster, Athena Madrid, Crystal Paras, at Ella Cristofani noong August 14. 

Si Pamela ay nasa Colorado, USA ngayon kasama ang kanyang pamilya. Si Athena naman ay nasa bahay at abala sa kanyang mga fashion at beauty content sa social media. Si Ella ay naka-focus sa kanyang YouTube channel habang si Crystal ay nag-e-enjoy sa pagluluto.

Samantala, ngayong Biyernes (August 21), apat na naggagandahang dalaga ang mapapanood sa online show sa #QuizBeh! Sinu-sino kaya sila? Abangan! 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mga ABS-CBN movies at teleseryes, aarangkada sa Africa, Asya, at Latin America

Garrett Bolden, nominado sa 2020 Awit Awards