Ipaparamdam ng “IdolPhilippines” finalist na si Lance Busa ang kaibahan ng maganda at nakakasirangrelasyon sa bago niyang single na “Sa Aking Mundo,” na mapapakinggan na simula sa Biyernes (Agosto 21).
“Minsan hindi mo na kailangang ipagsisikan ang sarili para mahalin ka,” ani Lance tungkol sa mensahe ng kanyang debut single mula sa Star Music.
Ang neo-soul na awitin ay isinulat ng songwriter-producer na si Kiko “KIKX” Salazar at bahagi ng kanyang “After Dark ‘The Final Hour’” EP bilang selebrasyon ng ika-10 taon niya sa industriya.
“Kumakatawan itong kanta na ‘to sa introvert side ko. Ginawa ko siya talaga bilang sulat sa sarili ko, paalala na ang mga tao pwedeng mag-inspire o mag-drain sa’yo, kaya kailangan mo’ng pumili nang maigi para ma-protektahan ‘yung sarili mo,” paliwanag ni KIKX.
Pinuri niya rin ang pagkakaawit ni Lance sa “Sa Aking Mundo,” na aniya’y sakto sa ‘laidback mood’ ng kanta. “‘Yung boses ni Lance Busa tamang-tama yung suwabe at tensyon. Sigurado ako na bagay ito sa kanya.”
Kinilala bilang third placer si Lance sa pagtatapos ng “Idol Philippines” noong 2019. Bago ito, naging champion siya sa unang edisyon ng reality singing competition ni Michael Bolton na “Bolt of Talent” noong 2017.
Protektahan ang puso mula sa mapanakit na pag-ibig at pakinggan ang debut single ni Lance na “Sa Aking Mundo” sa iba’t ibang digital streaming platforms simula ngayong Biyernes (Agosto 21). Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).