in

‘Stand for Truth,’ lalong lumalakas  

Isa ang mobile journalism newscast na Stand for Truth sa mga itinuturing nating pangunahing source ng balita at impormasyon online. Kaya naman hindi na kataka-taka ang patuloy na pamamayagpag nito sa Facebook at YouTube.

Nitong nakaraang July nga, pumalo sa 22.3 million views ang SFT sa official Facebook nito kahit ngayong taon lang ito nai-launch. Pasok sa list ng top videos nito ang two-part special report ni Atom Araullo na “Di Matapos Na Krisis: A Stand for Truth COVID-19 Mid-Year Report”.

Patuloy rin sa pag-arangkada ang SFT sa YouTube. May 2.3 million combined views ito para sa July mula sa GMA Public Affairs at GMA News channels.

Bukod kay Atom, napapanuod din sa SFT ang GMA resident political analyst na si Richard Heydarian at ang mga mobile journalist na sina Nico Waje, Mj Geronimo, Jairo Bolledo, Manal Sugadol, Shai Lagarde, Izzy Lee, at Jm Encinas.

Tuwing 9 pm, Lunes hanggang Biyernes, napapanuod ang Stand for Truth sa kanilang official Facebook page at sa YouTube channels ng GMA News at GMA Public Affairs.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Ruru Madrid, fitness buff na rin  

Fresh episode ng ‘Bubble Gang’, ngayong Biyernes na