in

Kyline Alcantara, special guest sa ‘AHA!’ ngayong Linggo

Si Kyline Alcantara ang guest storyteller sa fresh episode ng AHA! ngayong Linggo (August 16), 8:15 a.m. Sa nasabing episode, kikilalanin din ni AHA! host Drew Arellano ang misteryosong taong naka-maskara na naghahatid daw ng ayuda at pag-asa sa mga tao ngayong panahon ng pandemya. Sino kaya ito?

Abangan din this Sunday ang mga malikhaing ka-AHA! na may kakaibang medium na ginagamit sa paggawa ng iba’t ibang obra gaya ng ketchup, dahon, at iba pa.

After AHA! dadalhin naman tayo ni Doc Ferds Recio sa Anilao, Batangas, para sa isa na namang new episode ng Born to be Wild. Limang buwan matapos ipatigil ang mga activity sa nasabing sikat na dive sites sa Anilao, kumusta na nga ba ang mga residente at ang marine life dito? Si Doc Nielsen Donato naman, magbibigay ng online consultation kung paano aalagaan ang mga bayawak o monitor lizard na napapadpad sa ating mga komunidad dahil sa paghahanap ng makakain lalo na ngayong panahon ng MECQ.

Enjoy talagang gumising nang maaga tuwing Linggo kasama ang AHA! at Born to be Wild simula 8:15 am sa GMA 7. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Sanya Lopez, ibinida ang cooking skills sa vlog

GMA Network, patuloy sa pag-ere ng fresh episodes