in

‘Wish Ko Lang’ at ‘Imbestigador,’ may fresh episodes ulit ngayong Sabado  

Bagong episodes muli ang mapapanuod ngayong Sabado (August) sa Wish Ko Lang! at Imbestigador.

Bibida sa programa ni Vicky Morales na Wish Ko Lang! sina Katrina Halili, Luis Hontiveros, Kim Rodriguez, at Elijah Alejo. Gagampanan ni Katrina ang kuwento ng isang ina na gagawin ang lahat para sa kanyang mga anak. Reunion kung tutuusin ang Wish episode na ito para kay Katrina at Elijah na matagal na ring di nakakapag-taping para sa kanilang afternoon drama na Prima Donnas.

Si Elijah, excited na muling makasama ang kanyang “Ate Katrina”. “Natuwa po kasi after ng ilang buwan, nagkawork po ulit kami ni Ate Kat and nanay ko po siya dito so hindi ko po siya tatarayan unlike po sa Prima Donnas,” sabi ng young Kapuso star.

Ang Wish Ko Lang! naman ang unang proyekto ni Luis as a Kapuso. Say ni Luis: “I am extremely humbled to be part of such a significant show and I am grateful that Wish Ko Lang was the first show to allow me to showcase my craft.”

Samantala, tututukan naman ni Mike Enriquez ang mga krimeng naganap sa gitna ng pinatutupad na community quarantine sa “Quarantine Crimes” series ng Imbestigador. Ngayong Sabado (August 8), ang kaso ni Fabel Pineda ang tampok sa programa. Si Fabel ay isang 15 gulang na babaeng pinatay sa Cabugao, Ilocos Sur noong July 2.

Tutok na sa back-to-back Serbisyong Totoo ngayong Sabado at manuod ng Wish Ko Lang! at Imbestigador pagkatapos ng Tadhana sa GMA 7. (30)

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Iya Villania, ibinahagi ang birthing experience sa kanilang vlog

Jo Berry, dumarami ang fans sa Ecuador!