in

Tim Pavino, handog ang madamdaming acoustic version ng ‘Dalangin’

Nag-release ang pop baladeer na si Tim Pavino ng stripped down version ng kanta niyang “Dalangin” kasama ang songwriter-producer na si KIKX. 

“Para sa mga taong malungkot ngayon, umaasa kami, ito ang ‘Dalangin’ namin para sa inyo na magpatuloy kahit na humaharap tayo sa COVID-19 pandemic,” sabi ng “The Voice of the Philippines” season 2 semi-finalist. 

Nakakuha ng inspirasyon si Tim sa panahon ng quarantine para gawin ang raw version ng “Dalangin,” na tanging piano lang ang maririnig na instrumento. Tinatalakay ng kanta ang pagiging totoo sa pagmamahal sa isang tao kahit na hindi sigurado kung masusuklian ba ang pag-ibig na ito. 

Si KIKX ang sumulat at nag-arrange ng orihinal at bagong bersyon ng kanta, na nauna nang inilabas bilang isa sa mga kanta ng seven-track EP ni Tim na “Dreams” mula sa Star Music. Kabilang din sa EP ang mga kantang “Ulap,” “Pa’no Mo Nasabi,” “Wish I Could,” “Kanlungan ng Puso,” at mga komposisyon ni Tim na “Just A Dream” at “Happy,” na pawang kumuha ng inspirasyon sa tunog ng ’80s. 

Mula nang sumali si Tim sa “The Voice” sa ilalim ni Coach Lea noong 2014, sumabak na siya sa musical theatre at nakapagtanghal bilang Emilio Aguinaldo sa “Miong,” Houdini sa “Side Show,” The Doctor sa “Matilda The Musical,” at isa sa The Drifters sa “Beautiful: The Carole King Musical.” 

Pakinggan ang “Dreams” EP ni Tim sa iba’t ibang digital platforms at panoorin ang music video ng stripped down version ng “Dalangin” sa YouTube channel ng Star Music. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph), at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Failon Ngayon,’ nagwagi ng tatlong parangal sa 14th Gandingan Awards

‘One True Love’ nina Alden Richards at Louise delos Reyes, muling mapapanood sa GMA Network