in

Iya Villania, ipinakita ang kanyang postpartum body

Patunay ang Instagram postpartum photo ni Mars Pa More host Iya Villania na hindi madali ang pinagdadaanan ng mga mommy na gaya niya matapos manganak. 

Matatandaan na noong July 18 ay isinilang ni Iya ang unica hija nila ng asawang si Drew Arellano na si baby Alana. 

Isang linggo makalipas ang kanyang panganganak ay ginulat ni Iya ang netizens sa kanyang after childbirth photo kung saan kapansin-pansin ang mabilisang pagliit ng kanyang tiyan. Bukod sa pagkain ng masustansya at exercise, nagpapa-breastfeed din daw si Iya na nakakatulong sa pagbabawas ng timbang. 

“Crazy what a mother’s body goes thru! Being so much kinder and patient with my body this time. My body isn’t where I want it to be but I’m okay with that. It will take time and I’m in no rush,” ayon kay Iya. Samantala, makisaya kasama sina Iya at Camille Prats sa star-studded weeklong anniversary special ng Mars Pa More ngayong Linggo, 8:45AM, sa Kapuso Network.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Jak Roberto, ibinahagi ang ideal marrying age

Dianne Medina at Rodjun Cruz, online ang baby shower