in

Janice de Belen, tampok bilang OFW sa ‘Magpakailanman’

Ngayong Sabado (‪July 25), abangan ang kuwento ng isang OFW na nakipagsapalaran sa Hong Kong.

Namasukan si Mildred (Janice) bilang isang domestic helper para makapagpadala ng pera sa pamilya sa Pilipinas. Pero isang araw, nakaranas siya ng sexual harassment mula sa amo, kaya kinasuhan niya ito at nawalan siya ng trabaho. Nilihim niya sa pamilya ang kawalan niya ng trabaho at namasukan siyang basurera. Paano haharapin ni Mildred ang hamon na ito sa buhay niya?

Tampok si Janice de Belen, abangan ang “Homeless in Hong Kong: The Mildred Perez Story,” ngayong Sabado sa #MPK pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Sa lungkot at saya, kasama ang paboritong Kapamilya stars online ngayong Hulyo

Lovi Poe, hanga sa Kapuso shows na may temang “women empowerment”