in

Rita Daniela, nominated sa 33rd Awit Awards

Kabilang sa mga Kapuso stars na nakatanggap ng nominasyon sa 33rd Awit Awards si Rita Daniela at itinuturing niya itong isang karangalan. 

Sa panayam ng 24 Oras, ibinahagi ni Rita ang sayang naramdaman nang malaman na nakatanggap siya kasama ang ka-loveteam na si Ken Chan ng tatlong nominations kabilang na ang ‘Best Collaboration,’ ‘Best Novelty Recording,’ at ‘Best Pop Recording.’

Pahayag ni Rita, “Nahihiya po ako at nao-overwhelm din po ako kasi sobrang nakakatuwa na ma-notice ng juries ‘yung craft po namin.”

Higit sa 20 na Kapuso artists ang mga nominado kabilang sina Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose, Golden Canedo, Maricris Garcia, Ruru Madrid, at marami pang iba. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Drew Arellano at Iya Villania, naiuwi na si Baby Alana

Heart Evangelista, tuloy pa rin sa pagtulong sa Sorsogon