in

Paolo Contis: Patience is very important

May love advice na ibinahagi ang Kapuso actor na si Paolo Contis para sa mga couple out there. Ipinagmamalaki at thankful siya sa girlfriend na si LJ Reyes dahil sa haba ng pasensya para raw sa kaniya.

Ikinuwento ito ni Paolo sa online show na ‘Just In.’ Pahayag niya, hindi raw talaga maiiwasan na may hindi pagkakaintindihan sa isang relasyon, pero importante na mayroong pasensya ang isa’t isa, “Patience is very important. Kung mahal mo ang tao, you’ll be very patient with them. Hindi lang ‘to sa relasyon. Sa lahat, importante ang pasensya. Kasi hindi naman lahat maaaring kasing talino mo, hindi lahat maaaring kasing understanding mo. Iba-iba tayo ng isip. Patience at saka pakikisama ang para sa akin ang pinaka-importante lalo sa isang relasyon, marunong kang makisama at may pasensya ka.”

Kabilang pa rin sa listahan ng Most Watched Movies sa Netflix ang pelikula nina Paolo at Alessandra de Rossi na ‘Through Night and Day’ na patuloy na nakatatanggap ng positive reviews mula sa publiko.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Ruru Madrid, hinarana ang fans sa isang BTS song cover

‘TV Patrol’ at ‘The World Tonight’ mapapanood na sa Kapamilya Channel ngayong Lunes