in

Netizens, kinilig sa surprise video ni Mark Zambrano kay Aicelle Santos

Mapapa-SANA ALL na lang talaga ang lahat sa throwback Instagram video ni Mark Zambrano kung saan sinorpresa niya ang Kapuso actress at asawang si Aicelle Santos nang maging parte ito ng hit musical play na ‘Miss Saigon’ sa United Kingdom. 

Tila hindi pa rin makapaniwala si Mark na dalawang taon na mula nang lumipad siya sa UK upang sorpresahin ang asawa at ngayon nga ay madadagdagan na ang kanilang pamilya, “I can’t believe it’s been two years! It was just the two of us then and in a few months, we’ll be three! Looking forward to traveling the world with you and our baby, Mahal!”

Bumuhos naman ang kilig sa comment section mula sa kanilang fans na hinihiling magkaroon ng relationship gaya ng sa dalawa, “It was only this morning when my 21-year-old daughter told me that once it’s time for her to settle down, sana ang mahanap niya ay katulad ng hubby ni Aicelle.”

Samantala, napapanood si Aicelle sa paboritong weekend musical comedy variety show na All-Out Sundays tuwing Linggo, 12:45PM, sa GMA Network.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

SONA ni Pres. Rodrigo Duterte ihahatid ng GMA News ngayong Lunes

Pops Fernandez, binigyan ng makeover ang assistant