in

‘Amazing Earth,’ may panibagong adventures ngayong Linggo

Sagot ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang inyong Sunday entertainment dahil may mga bagong kuwentong hatid ang award-winning show na Amazing Earth simula ngayong July 26.

Hindi dapat palampasin ang eksklusibong panayam ni Dingdong sa isang Pinoy student na naninirahan sa Wuhan, China kung saan nagsimula ang COVID-19 pandemic. Ibabahagi niya ang kanyang pinagdaanan nang kumalat ang kinatatakutang sakit at ang kanyang ginawa nang sinimulan ang lockdown. 

Mamangha rin sa Rainbow Mountain ng Peru at alamin kung ano ang rason sa likod ng makulay na sand nito.

Samahan si Dingdong sa bagong episode ng Amazing Earth ngayong Linggo, 5:25PM, bago mag-24 Oras Weekend sa GMA Network.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Pops Fernandez, binigyan ng makeover ang assistant

GMA Music artists, nominado sa 33rd Awit Awards