in

Jak Roberto, doble ingat ngayong ‘new normal’

Muling sumabak sa taping si Kapuso hunk actor Jak Roberto sa bagong episode ng drama anthology na #MPK o Magpakailanman. 

Aniya, ito raw ang unang taping niya sa ilalim ng ‘new normal’ kaya naman aminado ang aktor na kahit kinakabahan ay kinailangan niyang sanayin ang sarili sa bagong sistema ng taping dahil walang kasiguraduhin kung kailan babalik ang lahat sa dati. “Sabi ko sige po kasi kailangan na rin po nating mag-adust at saka i-adopt ‘yung ‘new normal.’ Noong sinabi po sa ‘kin na ganoon, halong excitement at kaba,” ani Jak. 

Nanibago raw ang aktor na kung dati ay inaabot sila ng bukang liwayway bago matapos ang taping, ngayon daw ay limitado na ang oras pati na rin ang bilang ng tao. Naniniwala naman si Jak na kahit mahirap, possible naman ang magbalik-taping basta ay doble ang pagi-ingat ng lahat, “Kaya naman po eh. Kaya lang kumbaga ‘yung effort before, kailang i-double po this time.”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Jennylyn Mercado, may bagong ‘baby’

Aiai delas Alas, ibabahagi ang natutunan sa kanyang baking business sa ‘Mars Pa More’