in

Displaced TV at film workers, tutulungan ni Dingdong Dantes sa kanyang bagong business

Layunin ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes na makatulong sa kanyang mga katrabaho sa TV at film industry sa pamamagitan ng kanyang pinakabagong business na DingdongPH, isang food delivery service app.

Ayon sa Descendants of the Sun lead actor, adbokasiya niya ito para matulungan ang mga katrabaho sa industriya na nawalan ng pagkakakitaan bunsod ng pandemya. Maging siya raw ay may firsthand experience na sa pagde-deliver nang tumulong siya sa flower business ng asawang si Marian Rivera. 

Aniya, “Masaya akong ginawa ko ‘yun para sa kanya. I’m looking forward to be one of the delivery servicemen in one of these days.”

Bilang paghahanda, nag-organisa si Dingdong ng training para sa mga rider dahil mahalaga ito para sa kanilang kaligtasan.

Dagdag pa niya, “Maraming aksidente sa kalsada kung saan involved ang mga motorcycle riders kaya mahalaga na kung sakaling may mangyari sa kanila or makakita sila ng kasamahan nila sa kalsada na naaksidente, alam nila kung paano mag-respond.”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Dasal at suporta, bumuhos para kay Michael V.

Ato Arman, nahanap na ang kanyang ‘Destiny’ sa bagong single na ‘Ngayong Dumating Ka Na’