in

Chariz Solomon, may easy at healthy recipes sa ‘DOTS How To Do It’

Ngayong Thursday (July 23), ang Kapuso actress na si Chariz Solomon ang live na mapapanood sa ‘DOTS How To Do It!’. 

Sa episode na ito ay ipapakita ni Chariz sa viewers ang ilang tips at tricks kung paano maghanda ng easy at healthy recipes para sa pamilya. 

Bilang nanay, isa raw sa mga paborito niyang gawin sa bahay ay ipagluto ang mga anak niya. Bukod sa pagiging hobby, naging negosyo na rin niya ito nang i-launch niya ang #FusionByCharizSolomon.

Ano kayang mga putahe ang ihahanda ni Chariz sa Facebook live? Abangan ‘yan ngayong Thursday, 7 PM, sa official Facebook page ng ‘Descendants of the Sun’.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Aiai delas Alas, ibabahagi ang natutunan sa kanyang baking business sa ‘Mars Pa More’

Alden Richards, kaisa ng GMA Network sa pagpapahalaga sa kasaysayan