in

Sheena Halili, nagkaroon ng gender reveal party para sa anak

Puno ng excitement ang mag-asawang sina Jeron Manzanero at Sheena Halili para sa magiging gender ng kanilang first baby.

Sa kanilang Instagram accounts, pinasilip ng couple ang kanilang mini gender reveal party. Excited na ang Kapuso actress na malaman kung babae o lalaki ang kanyang ipinagbubuntis. Aniya, “Gender reveal! What’s your vote? Is it a boy or a girl?”

Bumuhos naman sa comment section ang mga hula mula sa kanilang followers at kapwa celebrities. 

Komento ni Denise Barbacena, “Omg!!! Umm boy?” habang girl naman ang hula ni Dianne Medina, “Girl! Ganda ni Sheena. Blooming.”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Delivery drivers ng app ni Dingdong, sumabak na sa training

Michael V., pangarap din maging teacher