in

Mikee Quintos, hands on sa vlogging

Habang hindi pa muna sumasabak sa taping ang Kapuso actress na si Mikee Quintos, mas pinagtutuunan muna niya ng pansin ang vlogging para sa kaniyang YouTube channel.

Naging aktibong muli si Mikee sa hobby na ito matapos ang ilang buwan na hindi siya nakapag-upload ng videos. Ngayon daw, siya na mismo ang magsu-shoot at edit ng kanyang vlogs.

“Actually, the last two videos, ako na nag-shoot and nag-edit noon. From planning, kung ano ‘yung isu-shoot, to creating the script and the flow, ako na lahat gumagawa.”

Aminado si Mikee na may pressure raw sa paggawa ng mga ito pero nangako siya sa mga fans niya na mananatili siyang connected sa kanila lalo na sa panahon ngayon.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Michael V., pangarap din maging teacher

Mark Herras at Nicole Donesa, tuloy ang pagpapakilig sa kanilang YouTube channel