in

Migo Adecer, naghahanda nang bumalik ng Pilipinas

Taliwas sa patuloy na community quarantine sa Pilipinas, nakakalabas at normal ang buhay ng Kapuso actor na si Migo Adecer sa Hong Kong.

Kasalukyang nasa Hong Kong pa rin si Migo dahil lumipad siya papunta sa bansa noong March bago pa man ipatupad ang enhanced community quarantine sa Metro Manila.

“I’ve been gaming, tapos marami akong oras para puntahan ang beach, movies, and since nandito ako sa Hong Kong, hindi ako artista kasi hindi ako kilala rito. A taste of normal life again, new normal,” aniya sa eksklusibong panayam ng 24 Oras. 

Dagdag pa ni Migo, kaunti lamang ang kaso ng COVID-19 sa bansa ngunit kamakailan ay inanunsiyo ng Hong Kong government na maghihigpit ito ng protocols.

Kuwento niya, “’Yung sa Hong Kong, may experience na sila sa SARS. Alam nila na kailangan talaga mag-mask kayo, mag-disinfect kayo. Parang informed na silang lahat kung paano mag-work ‘yung new normal nila.”

Samantala, naghahanda na rin si Migo sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas dahil malapit na rin silang mag-taping para sa kinabibilangang serye na Anak ni Waray vs Anak ni Biday. Pag-uwi ng bansa ay required siyang sumailalim sa 14-day quarantine at COVID-19 test bago sumabak sa trabaho.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Max Collins at Pancho Magno, magiging strict parents ba kay Baby Skye?

Ruru Madrid, ikinumpara ang fashion style kay Taehyung