in

Mark Herras at Nicole Donesa, tuloy ang pagpapakilig sa kanilang YouTube channel

Certified vloggers na rin ang Kapuso couple na sina Mark Herras at Nicole Donesa kaya naman abot na hanggang sa YouTube ang kanilang pagpapakilig sa fans. Para sa kanilang unang vlog sa “MarkNico Herras” YouTube channel, muling nasubukan ang husay ni Mark sa pagsasayaw. 

Ni-remake ni Mark ang lahat ng kanyang viral TikTok videos sequentially, mula sa ‘Average Joe’ hanggang sa ‘Binibining Marikit.’

“Napagod po ‘yung ating dancer,” ani ni Nicole sa dulo ng challenge.

Dagdag naman ni Mark, “Sana po, e, magustuhan ninyo ang aming first vlog. Pasensya na kung medyo nangangapa pa kami sa vlog.”

Mag-subscribe na sa YouTube channel nina Mark at Nicole upang manatiling updated sa kanilang dalawa.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mikee Quintos, hands on sa vlogging

Jon Lucas, Prince Clemente, at Anthony Rosaldo, nakipag-bonding sa kanilang fans