in

Mga beteranong public affairs host, magbibigay ng tips sa ‘new normal’

Kahit ang mga hinahangaan nating public affairs personality ay hindi exempted sa adjustments sa tinatawag nating ‘new normal’.

Sa bagong line-up ng GMA News TV na “New Normal: The Survival Guide”, magbabahagi sina Mareng Winnie Monsod, Kara David, Susan Enriquez, Tonipet Gaba, Rovilson Fernandez, at Drew Arellano ng kanilang mga karanasan sa pamumuhay sa ‘new normal’.

Magbibigay rin sila ng tips mula sa experts kung papano nga ba tayo magsu-survive sa gitna ng pandemic.

Ilan sa mga topic na mapapanuod every night ay life hacks, budget tips, inspiring stories, mga isyung dapat talakayin, at pagtataguyod sa family at relationship.

Talaga namang naka-focus sa ‘new normal’ life na unti-unti pa rin nating ginagamay ang mga bagong program under New Normal.

Gabi-gabi sa GMA News TV, iba-ibang putahe ang mapapanuod—Newsmakers tuwing Lunes hosted by Mareng Winnie; Bright Side kasama si Kara sa Martes; Pera Paraan ni Susan tuwing Miyerkules; Home Work nina Tonipet at Rovilson kapag Huwebes; at Family Time ni Drew sa Biyernes. Kumpleto rekados ang “New Normal: The Survival Guide” na magsisimula na ngayong July 20, 8:30 pm, pagkatapos ng 24 Oras simulcast sa GMA News TV. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Rocco Nacino, kinarir ang pagiging karpintero!

Premyadong Kapuso public affairs shows, nasa primetime na simula July 20