Curious na kami sa bagong program line-up ng GMA News TV na “New Normal: The Survival Guide” na mapapanuod simula sa Lunes (July 20).
Every night kasi, may show na ipapalabas under sa umbrella program na ito. Tuwing Lunes, nariyan ang Newsmakers ni Mareng Winnie Monsod. Every Tuesday naman si Kara David sa Brightside. Si Susan Enriquez naman ang mapapanuod sa Miyerkules. Ang tandem nina Tonipet Gaba at Rovilson Fernandez ang magpapasaya sa ating Thursday night. At sa Biyernes, handog naman ni Drew Arellano ang Family Time. Iba-iba ang personality ng beteranong public affairs show hosts kaya naman expect na ng viewers na bawat gabi, may bago tayong matututunan sa gitna ng pagharap natin sa tinatawag nating ‘new normal’.
Kaabang-abang na mapanuod kung paano gagawin ng mga host ang bawat show nila under the ‘new normal’ scenario lalo na’t di pa rin tuluyang nagbabalik sa regular taping process ang mga programa. Masasabing pinag-isipan talaga ng GMA Network via its public affairs arm ang ‘New Normal: The Survival Guide’. Every night, mula Lunes hanggang Biyernes, ang ‘New Normal: The Survival Guide’, 8:30 pm sa GMA News TV.