in

Alden Richards, muling mapapanood sa ‘Daig Kayo Ng Lola Ko’

Muling mapapanood ang kuwentong “Jessie at si Dante Higante” ngayong Linggo ng gabi sa ‘Daig Kayo Ng Lola Ko.’ Pinagbibidahan ito ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards. 

Masipag na magsasaka si Jessie, pero may makakaharap siyang isang higante habang naghahanap ng halamang-gamot para sa ina. Matakasan kaya niya ito?

Samantala, sunod na mapapanood naman ang second part ng kuwentong ‘Download Mommy’, tampok sina Mikee Quintos, Yasmien Kurdi, at Manilyn Reynes. Ano nga ba ang magiging kapalit ng mga desisyon ni Kring  (Mikee) sa paggamit niya kay ‘Download Mommy’?

Abangan ang magical stories nina ‘Jessie at si Dante Higante’ at ‘Download Mommy’ ngayong July 19 sa ‘Daig Kayo Ng Lola Ko’ pagkatapos ng ’24 Oras Weekend’ sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Hula Hoop videos ni Sheryl Cruz, patok online

Life story ni DJ Loonyo, tampok sa #MPK