Ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards ang pinangalanang anti-COVID-19 ambassador ng Philippine government kung saan makakatuwang niya ang Department of Health, United States Agency for International Development (USAID), Laging Handa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF), and National Task Force on COVID-19.
Inanunsyo ito kahapon sa pamamagitan ng isang TV commercial tampok si Alden.
Simula nang ipatupad ang quarantine sa bansa, isa si Alden sa celebrities na laging nagpapa-alala sa fans at publiko na mag-ingat at sumunod sa health protocols mula sa healthcare experts.