Diretsahang sinagot ng dating news reporter na si Jiggy Manicad ang ilang mga tanong ni Paolo Contis sa kanyang guesting sa GMA Artist Center online show na ‘Just In’ noong July 1.

Isa sa kanilang mga napag-usapan ay tungkol sa pagkalat ng fake news. Bukod sa kuwento ng fake news, binalikan din ni Jiggy ang kanyang mga naging coverage bilang isang reporter.
Samantala, isang kaabang-abang na kumustahan at kwentuhan naman nina Vaness Del Moral at Tim Yap ang mapapanood sa episode ng ‘Just In’ ngayong Miyerkules (July 8), 8PM.
Huwag itong palalampasin bukas ng gabi sa GMA Artist Center YouTube channel at GMA Network Facebook page!







