in

EA Guzman, kumasa sa ‘coffee or three bottles’ challenge

Sa kanyang bagong YouTube channel ay sumabak si Kapuso actor Edgar Allan Guzman sa nakakatuwang ‘coffee or three bottles’ challenge kung saan pipili siya kung gusto n’ya bang maka-date over coffee o beer ang ilang celebrities. 

Kabilang sa listahan ay ang Kapuso stars na sina Lovi Poe, Sanya Lopez, Solenn Heussaff, Heart Evangelista, at Julie Anne San Jose. Aniya, nais daw niyang coffee ang inumin kasama si Sanya dahil hanga raw siya sa galing ng Kapuso actress sa paggawa ng content para sa kanyang social media pages gaya ng YouTube. “Para makakuha ako ng pointers kung ano pa ba ang pwede kong gawin sa aking YouTube channel,” ani EA. 

Beer naman daw ang nais inumin ni EA kasama ang dating My Korean Jagiya costar na si Heart, “Gusto ko lang i-enjoy ‘yung company n’ya and feeling ko deep siyang tao. Sa tingin ko emotional siya. Noong nagka-trabaho kasi kami sa My Korean Jagiya lagi kaming nagtatawanan, gusto ko naman makita ‘yung side n’ya na full of emotions.”

Parehas namang beer din ang nais inumin ni EA kasama sina Lovi at Solenn na sa tingin n’ya ay masayahing tao. Gusto naman daw maka-jamming ni EA ang All-Out Sundays co-star niyang si Julie over beer, “Alam naman nating si Julie, napakagaling kumanta. Lahat ng genre kaya n’yang gawin. Gusto ko siyang maka-duet sa kantahan.”  

Samantala, kasama sina EA at Julie Anne sa ‘All-Out Sundays: The Stay Home Party’ na mapapanood na rin sa telebisyon simula ngayong Linggo (July 12), 12:45 PM, sa Kapuso Network.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Tim Yap, makakakuwentuhan ni Vaness del Moral sa ‘Just In’

‘All-Out Sundays,’ balik-telebisyon ngayong Linggo!