Binalaan ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards ang netizens sa isang poser na ginagamit ang kanyang identity para gumawa ng fake Instagram account.
![](https://phentertainment.net/wp-content/uploads/2020/07/aldenrichardbabalasafakeaccount-819x1024.jpg)
Pinaalam ni Alden sa kanyang followers ang fake account sa kanyang Instagram stories noong July 3.
Samantala, isa sa pinagkakaabalahan ni Alden habang hindi pa nagre-resume ang tapings ng kanyang mga programa sa GMA ay ang pagkakaroon ng live game stream para makipag-interact sa kanyang gamer fans.