in

Aiai delas Alas, happy at proud na maging parte ng GMA Network

Lubos ang pasasalamat ng Comedy Queen na si Aiai delas Alas sa Kapuso Network dahil sa   pagmamahal at pagtitiwala na patuloy na pinaparamdam at binibigay sa kanya mula noon hanggang ngayon.

Aniya, “Congratulations and number 1, 70 years na sila industriya na ito. Bukod sa congratulations, I’m so happy that I’m a part of their 70 years dito sa industriyang ito dito sa Pilipinas.”

Matatandaang sa GMA-7 unang nabigyan ng break sa showbiz ang Kapuso actress bilang host ng late-night talk show na R.S.V.P. noong ’90s.

Pagbabahagi ni Aiai, “Siyempre, kumbaga, nostalgic sa akin kasi dito ako nag-start. So, ‘di ba, ‘pag doon ka talaga unang nakatira, babalik at babalik ka sa tahanan mo. And that’s a milestone for me kasi sa 70 years nila, kasama ako ngayon.”

Kamakailan lang ay pumirma si Aiai ng management contract sa GMA Artist Center. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Boobay at Super Tekla, lungkot na lungkot sa pagsasara ng comedy bars ni Allan K