in

Miguel Tanfelix, ipinasilip ang daily “quaroutine”

Sa latest vlog ni Miguel Tanfelix, ipinasilip niya sa fans ang daily routine niya ngayon. “One thing I’ve learned about myself, kapag tanghali na ako nagising, tatamarin na ako buong araw.

Pero kapag gumising ako nang maaga, mas energized ako at motivated na gawin ‘yung errands ko for the day,” panimula niya.

“Ang una kong ginagawa tuwing umaga ay mag-tea at magbasa ng libro. Ito ‘yung parang jumpstart ko sa umaga. Ang next ay ang pagwu-workout.” Dagdag na kuwento ng ‘Kambal, Karibal’ star, jump ropes ang isa sa paborito niyang cardio workout, “Mahilig ako mag-jump rope for 30 minutes. Pero kayo, kung saan kaya mas sanay, pwede kayo mag-HIIT, hula hoop, anything na magpapataas ng heart rate n’yo.”   

After lunch, free time na raw ito ni Miguel para sa sarili niya. Madalas siyang gumawa ng TikTok videos o maglaro ng mobile games. Mapapanood ang quaroutine vlog sa official YouTube channel ni Miguel.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Bea Binene, miss nang mag-aral sa culinary school

Sheena Halili, thankful sa kanyang supportive husband