in

Wendell Ramos, sumabak sa firefighter training

Habang hindi pa nagre-resume ang taping ng pinagbibidahang GMA Afternoon Prime soap na ‘Prima Donnas,’ nagpasya ang Kapuso actor na si Wendell Ramos na sumabak sa firefighter training.

Sa latest Instagram posts nito, ipinakita niya sa kanyang fans at followers ang naging training sa ilalim ng Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP), isang non-government organization na layuning maghatid ng impormasyon sa iba’t ibang firefighter groups sa bansa. 

Aniya, “It was really an honor to train and be a certified ABP #angbumberongPilipinas. But to be honest, I need to learn and experience more. It’s truly a humbling experience for me at sa inyo pong lahat na mga bumbero ng Pilipinas, #saludo po ako sa inyong lahat. Mabuhay po ang ABP nating lahat!”

Isa sa mga unang bumati sa latest achievement ng aktor bilang isang certified Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) firefighter ay ang kanyang co-star sa top-rating series na si Katrina Halili. Komento nito, “Grabe galing! Congrats Jaime @wendellramosofficial.”

Samantala, tuloy pa rin ang online reunion ng cast sa ‘Prima Donnas: Watch From Home’ tuwing Biyernes at 5pm sa Facebook page, Twitter account, at YouTube channel ng GMA Network.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kylie Padilla, 3M na ang followers sa Instagram

Drew Arellano, may sweet birthday message para kay Iya Villania