in

‘T.G.I.S,’ memorable para kay Dingdong!

Sa dalawang dekadang makulay na karera ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa showbiz, itinuturing niyang pinaka-memorable ang mapasama sa youth-oriented TV show na T.G.I.S.

Kuwento ni Dingdong, “Para sa akin, ‘yun ‘yung pinaka-memorable dahil ito ‘yung panahon na nag-aalangan pa ako kasi ‘di ko alam kung ano bang gusto ko pero nandun ako. Hanggang sa after ng show na ‘yun, unti-unti ko nang nagustuhan ‘yung pag-arte.” 

Ito rin daw ang unang show na pinagsamahan nila ni Direk Dominic Zapata na kasalukuyan din n’yang director sa Pinoy adaptation ng DOTS.

At ang maganda pa, pwede na ulit mapanood ang T.G.I.S sa tulong ng GMA Affordabox. “Imagine these shows na tinatanong natin dati kung kailan ba natin mapapanood ulit? Ngayon, maaari siyang magkaroon ng rerun na mas makulay at mas malinaw,” dagdag pa ni Dingdong.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Bubble Gang’ boys, nagkabukingan sa ‘All-Out Sundays?’

Paolo Contis at anak na si Summer, good vibes ang hatid