After bumalik sa radyo at sa 24 Oras, may iba pang inihahanda si Mike Enriquez dahil ngayong Hulyo, magkakaroon ng special episodes ang ating “Imbestigador ng bayan”.
Sa “COVID-19: Special Investigative Reports ni Mike Enriquez”, tatalakayin ni Mike ang mahahalagang isyung iniinda ng Pilipino sa gitna ng pandemya.
Isa na nga rito ang kalbaryo ng mga pasaherong walang masakyan papasok sa kanilang mga trabaho dahil sa limitadong mass transport system.
Looking forward kami na mapanuod muli si Mike in his element na humihimay sa mga isyung tulad nito. Aabangan namin ang two-part specials na ito, at sa July 11 na nga mapapanuod ang unang bahagi.