Isang sweet birthday message ang natanggap ng Mars Pa More host na si Iya Villania mula sa kanyang asawa na si Drew Arellano. Sa Instagram post ni Drew ngayong araw, pinuri niya si Iya sa pagiging isang mahusay na multi-tasker sa bahay.
Aniya, “Happy birthday to the strongest and sexiest mama I know! Oh, the best multi-tasker too – one hand carrying two kids, the other scratching the head out of frustration with my cleanliness! Thank you so much for helping me clean the office! It’s been 5 straight days! Konti nalang! Wohoooooo!🤪 Love you Marie Kondo ng buhay ko! @iyavillania.”
Bumuhos naman ang mga pagbati mula sa kanyang followers pati na rin ang celebrity friends ng mag-asawa kabilang sina Camille Prats, Luane Dy, Andrea Torres at Rocco Nacino.