in

Carla Abellana, may back-to-work vlog!

Para hindi mahuli ang kaniyang fans na talaga namang miss na miss na siyang mapanood on screen, ibinahagi ng Kapuso actress na si Carla Abellana ang unang araw niya back-to-work sa isang vlog!

Sa YouTube channel ni Carla, ipinakita niya ang naging pagbabalik sa trabaho nang ipatupad na ang general community quarantine (GCQ), “I did my own makeup today. Siyempre walang hair and makeup artists dahil quarantine pa. Today is the plug shoot for GMA’s 70th anniversary. Ito ‘yung official na ‘Back To Work Day’ namin ni Tom. Takot man tayo, gustuhin man nating mag-stay lang sa bahay pero kailangan nating…back to work.”

Excited naman ang mga fans na makitang back-to-work si Carla! Marami sa kanila ay nag-aabang na sa pagbabalik sa ere ng top-rating GMA primetime series na pinagbibidahan niya na ‘Love of my Life.’

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

ABS-CBN artists, talent managers pumayag na bawasan ang talent fee para suportahan ang network

‘AHA!’ four times a week nang mapapanuod simula July 1!