in

‘Bubble Gang’ boys, nagkabukingan sa ‘All-Out Sundays?’

Isang nakakatuwang bukingan ang naganap sa Stay Home online party ng All-Out Sundays kahapon (June 28) kung saan nakisali sa kulitan ang Bubble Gang boys na sina Sef Cadayona, Jak Roberto at Archie Alemania.

Sa segment na “Sino ang pinaka…,” nabuking na si Sef ang pinakamaraming naging girlfriends sa Bubble Gang girls. Paliwanag naman ni Sef, “Hindi, mapagmahal lang talaga ako, tipong friendly.”

Di naman nagpahuli ang kanyang KaBabol co-stars na kasama rin sa live session na sina Michael V., Paolo Contis, at Betong Sumaya na biruin si Sef. 

“Napakalaki ng puso ni Sef. Sa sobrang pagmamahal n’ya sa pag-aartista at sa Bubble Gang, umabot tuloy sa Bubble Gang Girls,” dagdag pa ni Bitoy.

Samantala, nanawagan din ng tulong ang All-Out Sundays para sa isa sa mainstays ng programa na si Super Tekla na kasalukuyang nagpapagaling sa ospital ang bagong silang na anak. Nagpadala naman ito ng mensahe sa kanyang costars, “Watching live from Philippine Children’s Hospital, salamat po sa buong support ng aking GMA AOS family at sa lahat ng mga Kapusong nakatutok.”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Wish Ko Lang!’ magbabalik ngayong July!

‘T.G.I.S,’ memorable para kay Dingdong!