in

Migo Adecer, tanda pa rin ang mga turo ng ama

Kahit pa kasalukuyang nasa Hong Kong si ‘Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday’ star Migo Adecer at nakatira naman sa Australia ang kanyang ama, hindi pa rin daw makakalimutan ng Kapuso actor ang mga aral na natutunan niya mula sa ama.

Sa isang exclusive interview, naikuwento ni Migo na “My dad told me, if you’re gonna do something that I told you not to do or if you do something that you know is gonna anger me, you better not get caught. If you get caught, you will get punished. If you’re gonna do something, make sure you do it good,” ani ni Migo.

Natutunan din daw ni Migo mula sa ama na ‘wag isisi ang kanyang mga pagkakamali sa iba at sa halip ay matutong akuin ang kanyang kasalanan. “You should never feel guilty or feel responsible for how I turned out or when I make you upset. It had nothing to do with you. You had taught me everything right,” mensahe naman ng aktor sa kanyang ama.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Therese Malvar, hindi lang mahusay na artista, academic achiever din!

Aiko Melendez, ano ang weight loss secret ngayong quarantine?