in

‘Parokya Bente Dos’ ng ‘Bubble Gang,’ mapapanood sa YoüLOL!

May espesyal na handog ang comedy channel ng GMA Entertainment Group na YoüLOL ngayong Sabado (June 27) dahil mapapanood dito ang musical show ng Bubble Gang na ‘Parokya Bente Dos: A Laugh Story’.

Una itong napanood sa TV noong 2017 at talaga namang pumatok sa viewers dahil sa touching at nakakatuwang sketches at jokes nito. Kuwento ito ni Buloy (Michael V.), isang die-hard fan ng sikat na aktres na si Birdie Aguila (Kim Domingo) at ang adventures niya para matupad ang pangarap na maging leading man nito on at off-screen.

Muling panoorin ang ‘Parokya Bente Dos: A Laugh Story’ ngayong Sabado sa www.youtube.com/YouLOLGMA.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

GMA News, pasok sa top 5 online video publishers sa buong mundo

Dingdong Dantes, more than 20 years nang Kapuso