in

Mikee Quintos at Andre Paras, may kakaibang chemistry?

Hindi nakalagpas sa libu-libong netizens ang kakaibang chemistry nina Encantadia stars Mikee Quintos at Andre Paras sa two-part vlog ng Kapuso actor kung saan special guest nito ang dalaga.

Sa eksklusibong panayam nila sa 24 Oras, inilahad ng dalawa kung gaano nga ba sila ka-close sa isa’t isa. Kapansin-pansin naman ang natural na kulitan at pagiging kumportable nina Andre at Mikee sa gitna ng interview.

Isa sa mga napag-usapan ay ang post-ECQ hairstyle ni Andre, mula kasi sa kanyang balbas-saradong look ay clean cut na ito na ginupit pa mismo ng inang si Jackie Forster.

Biro ni Andre, paghahanda raw talaga n’ya iyon para sa interview nilang dalawa ni Mikee.

Inamin naman ng Kapuso actress na nagustuhan nito ang new look ng binata, “Gusto ko, ang linis tingnan.”

Samantala, binanggit din ni Andre na noon pa man ay magaan na talaga ang loob nila sa isa’t isa, “It’s more of ‘di na kami nagbaba-bye, hinihintay na lang namin na lumaylay ‘yung conversation which never happens so very rare lang ‘yon.”

Kasalukuyang napapanood sina Mikee at Andre sa rerun ng award-winning telefantasya na Encantadia tuwing gabi sa GMA Telebabad.



Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘StarStruck Season 7’ girls Shayne Sava at Lexi Gonzales, tampok sa GMA Playlist Live!

Katrina Halili, malaki ang utang na loob sa Kapuso Network