in

Katrina Halili, malaki ang utang na loob sa Kapuso Network

Mananatili raw loyal si Prima Donnas star Katrina Halili sa GMA Network dahil sa walang-sawa at buo nitong pagsuporta magmula nang pumasok siya sa showbiz industry.

“Alam naman po nating lahat na sa GMA po ako nagsimula at hanggang ngayon, buong-buo po ang pagtitiwala nila sa akin sa bawat project po na ibinibigay po nila. Sobrang thankful po ako sa GMA dahil sa growth ko bilang isang artista at sobrang thankful din po ako na mabigyan ng chance na makapag-entertain ng mga fellow Kapuso natin,” ani ni Katrina.

Ika pa nito, proudest Kapuso moment daw niya ay tuwing napapanood sa ibang bansa ang mga shows ng GMA-7 at mas maraming nakaka-appreciate ng gawang Kapuso.

“Bawat role na ginagampanan ko ay ipinagmamalaki ko lalo na kapag sinusuklian ‘to ng malaking pagtanggap po ng viewers,” dagdag pa nito.

Samantala, mapapanood na ang inaabangang reunion ng cast ng top-rating GMA Afternoon Prime series na Prima Donnas bukas, Biyernes (June 19), 5PM, sa official social media accounts ng GMA Network.

Makikipagkulitan at kumustahan ang stars sa bawat isa kasama ang netizens sa isang fun at exciting na livestream. Abangan ‘yan!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mikee Quintos at Andre Paras, may kakaibang chemistry?

Gabbi Garcia, ibinahagi ang creative ideas sa kanyang photo shoots sa bahay