in

Trending agad! David Licauco, game na game sa Q&A with fans

Game na game na nakipag-Q&A sa kanyang fans ang Kapuso Chinito Hearthrob na si David Licauco sa kanyang birthday nitong June 15 kaya naman nag-number 1 trending topic ang #AskDavid sa Twitter noong araw ding iyon.

Sinagot ni David ang mga tanong tulad ng sikreto ng pagiging guwapo, Netflix recommendations, at pati na rin ang kanyang greatest fear.

Sa kanya namang Instagram post, ibinahagi ng Kapuso model-actor ang kanyang realizations sa paggunita ng kanyang 25th birthday sa gitna ng COVID-19 pandemic at sa pagharap sa “new normal.” 

Ayon kay David, “Never imagined spending a birthday in a time when nothing is really certain, I continue to feel fortunate and privileged to still celebrate this day with my family. But if there’s anything that being in this state has taught me, it’s about having a deeper understanding that there are things that are beyond our control, and there are so many things we enjoy every day before but took for granted that look like luxuries now.” 

Bukod dito, nagpapasalamat din si David sa lahat ng mga walang sawang sumusuporta at nagmamahal sa kanya.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

GMA Heart of Asia, may hatid na bigating drama ngayong Hunyo

Pancho Magno at Max Collins, pamilya kung ituring ang GMA Network