in

Kristoffer Martin, hinahangaan ang prinsipyo ng ama

Bilib ang Kapuso actor na si Kristoffer Martin sa mga pinaniniwalaan at prinsipyong pinaninindigan ng kaniyang ama.

Kuwento niya, habang lumalaki raw siya, marami siyang natutunan sa pagiging disciplinarian ng Daddy niya.

Ayon kay Tuntun, “Ang laging sinasabi ni Daddy, ‘wag mo nang sakyan ‘yung mali kung ipipilit mo. Halimbawa, may kaibigan kang mali, kahit kaibigan mo ‘yan at alam mong mali ‘yung ginawa niya, ‘wag mong suportahan. Tingnan mo lagi ‘yung tama.” 

Hanggang ngayon, tinuturing pa rin ni Kristoffer na gabay ang mga pangaral ng ama kahit na nasa tamang edad na siya. Maaaring mapanood ang buong tribute niya para sa kaniyang Daddy sa feature ng GMA Network na #ThankYouPa sa YouTube. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Gladys Reyes, magkakaroon ng online acting workshop

GMA Heart of Asia, may hatid na bigating drama ngayong Hunyo