in

Sheena Halili, buntis na!

“And now we’re three! #13weeks”, ito ang inanunsyo ng Kapuso artist na si Sheena Halili sa kaniyang Instagram post noong Sabado.

Inulan naman ng positive feedback at well-wishes mula sa netizens, fans, at kapwa celebrities ang pagdadalang-tao ng aktres.

Kasama sa mga bumati kay Sheena ang mga Kapuso stars na sina Carla Abellana, Glaiza de Castro, LJ Reyes, Thia Thomalla, at marami pang iba!

Glowing sa mga litrato si Sheena at ibinahagi pa niya ang hawak na sonogram ng kanilang baby ng asawang lawyer na si Jeron Manzareno. Matatandaang ikinasal ang dalawa nito lang Pebrero. Congratulations, Sheena and Jeron!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Sanya Lopez at Jak Roberto, bonding time ang pagti-TikTok!

Ken Chan, may sorpresa para sa lucky fan